Sunday, July 24, 2011
Mga guhit ng lapis sa kasalukuyan (Ang Simula)
Mga unang taon namin dito sa Jeddah noon September 2008 ng isang araw ay makita kong bumili ng isang malaking drawing pad ang isang kasamahan ko sa Kampo. James Torres ang pangalan nya hindi ko inaakala na mahilig pala sya sa pagdodrawing at habang ang lahat ay abala sa kani-kanilang mga gawain si James naman ay nagsimula na ring gumuhit. Paminsan minsan sinusulyapan ko ang kanyang ginagawa. Noon ako nagsimulang maging interesado ulit sa pagguhit. May mga pagkakataon na nagkukuwentuhan kami kung panu gumuhit ng mukha ng tao o di kaya ang angulo ng katawan at marami pang iba. Yun na pala ang simula ng lahat... gumuhit ako ng isang bulaklak na sa tingin ko ay isang halimbawa lamang. Pagkatapos ay pinakita ko sa kanya at kinukuha ang kanyang opinyon. Naalala ko pa sabi nya dagdagan ko pa daw ng bulaklak hanggang dumami na ang aking nagawa. hahahaha..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment