Sunday, July 24, 2011

Mga guhit ng lapis sa kasalukuyan (Ang Simula)

Mga unang taon namin dito sa Jeddah noon September 2008 ng isang araw ay makita kong bumili ng isang malaking drawing pad ang isang kasamahan ko sa Kampo. James Torres ang pangalan nya hindi ko inaakala na mahilig pala sya sa pagdodrawing at habang ang lahat ay abala sa kani-kanilang mga gawain si James naman ay nagsimula na ring gumuhit. Paminsan minsan sinusulyapan ko ang kanyang ginagawa. Noon ako nagsimulang maging interesado ulit sa pagguhit. May mga pagkakataon na nagkukuwentuhan kami kung panu gumuhit ng mukha ng tao o di kaya ang angulo ng katawan at marami pang iba. Yun na pala ang simula ng lahat... gumuhit ako ng isang bulaklak na sa tingin ko ay isang halimbawa lamang. Pagkatapos ay pinakita ko sa kanya at kinukuha ang kanyang opinyon. Naalala ko pa sabi nya dagdagan ko pa daw ng bulaklak hanggang dumami na ang aking nagawa. hahahaha..

Thursday, May 19, 2011

Bata... Bata....Doon Po Sa Amin...






Larong Pambata - Habulan

Boyeeeeettttttt!!!! ang sigaw ng nanay ko habang nakadungaw sa bintana ng aming bahay... na kung saan tanaw-tanaw nya akong naglalaro sa basketball court na katabi ng isang maliit na Bisita sa tapat ng aming bahay... Halika nga dito?. Dali-dali akong nag-timeout sa larong habulan na kung saan kalaro ko ang mga kasing gulang ko na mga kaklase at ibang mga kapitbahay. Kakain na pala kami.. teka ang sabi ko tawag na ako ng nanay ko eh kayo na lang muna sa susunod na lang ulet. Hay nakakainis tuloy di pa kami nananalo ng ka-grupo ko eh di bale sa uulitin gagalingan ko na bibilisan ko na ang pagtakbo at hindi ako magpapahuli sa kanila at mananalo rin kami.. Yeheyyy..

Puno ng Saging

Laging ganun ang buhay dati... masaya... malaya...walang problema bata pa kasi... malawak ang mga daanan, malalaki ang bawat bagay na aking nakikita, matataas ang mga puno sa tabing daan gayun din ang mga puno ng mga saging sa likod bahay namin. bakit ang liit ko? lalaki pa ba ako? siguro sabi kasi nila ganun daw talaga pag bata pa hamo't dadating din ang araw at magiging katulad din daw nila ako. Sige na nga maghintay na lang ako.