Friday, June 1, 2012

Mga guhit ng lapis sa kasalukuyan (Ika-apat na Yugto)

Si Angelina Jolie na marahil ang isa sa pinakasikat na artista sa hollywood... kung sabagay hindi naman maikakaila na tunay nga na nag-aakin sya ng isang kaakit-akit na mukha mula sa mga mata, ilong at labi. Ito marahil ang naging basehan ko kung bakit siya ang napili ko na i drawing. May kahirapan pala talaga na iguhit ang mukha ng tao. Sa akin palagay dapat unahin ko ang mga mata, ilong at bibig. At iyon nga ang akin ginawa...  Gaya ng dating gawi... abala ang lahat sa kanya kanyang gawain sa kampo.. ang ilan at nakaupo at nakikipag-kwentuhan.. ang ilan ay nakikipag-text sa mga pamilya nila sa pilipinas at kung anu anu pa.. ako naman ay aakyat sa pangalawang palapag ng double deck at unti unting guguhit ng larawan. Di nagtagal ay natapos ko rin si angelina... at ito ang aking nagawa.

Angelina Jolie


------oooOOOOOooo------

Nag tuloy tuloy na ang akin nasimulan... Nandyan iguhit ko si Marian at si Lindsay (kung san nagkulang ng titik d ang pangalan.. pasensya na tao lang heheheh)


Si Marian Rivera 


Ito si Lindsay Lohan

Sa akin palagay ay maayos na rin na naiguhit ko ang mga ito. hindi man ganun ka husay ay maaari na rin pagtiyagaan ng sino mang makakakita. Ano sa palagay mo?


Tuesday, May 29, 2012

Mga guhit ng lapis sa kasalukuyan (Ikatlong Yugto)

Isang diwata ang iginuhit ni Torres. Hindi ko na masyadong maalala ang ibang mga detalye. Pero sa magkaka-alam ko kinagiliwan itong pagmasdan ng mga kasamahan ko sa kwarto. Sa totoo lang (atin - atin lang ito) hindi ko naman masyadong nagustuhan ang kanyang nilikha hango sa kanyang imahinasyon. Oo nga't maayos ang pagkakaguhit at pagkakalapat ng mga kulay kung saan ay ginamitan din nya ito ng colored pencils. Ngunit hindi ko ito maramdaman... wala itong buhay kung aking pagmamasdan. Siguro'y nagkakamali lang ako. Ganun pa man maayos pa rin nya itong nagawa.

Nang mapunta ako sa Corniche sa bayan ng Jeddah. Aking hinanap ang isang maliit ng bilihan ng libro kung san maaring may mga sketch pad akong maaring makita. At hindi naman ako nabigo.

Nang sumunod na araw ay sinimulan ko ng gawing ang unang pencil drawing ko gamit ang sketch pad na nabili ko. Meydo nakakapanibago. Ito pa lang ang unang beses na gagamit ako ng isang sketch pad. Pakiramdam ko'y nakakahiya kung anu mang ang kakalabasan ng unang iguguhit ko... ah... bahala na... At noon din ay sinimulan ko ng gumuhit ng dolphins at ito ang nagawa ko..

Dolphins - Unang Guhit sa Sketch Pad


Sa aking palagay ay maayos naman ang unang na i iguhit ko. Lubos na rin ang aking kasiyahan at natapos ko na rin ang Dolphins na ito. Medyo matagal din ang ginugol ko na oras para gawin ito. inabot ako siguro ng dalawang linggo (may katagalan di ba?). Habang abala ang iba sa pag tetext o paglalaro ng chess o di kaya'y dama ako naman ay gumuguhit sa aking higaan.

---------oooOOOooo--------


Nang makaguhit na ako sa sketch pad noon ko naramdaman ang kakaibang buhay. Ang pagguhit ay hindi madaling gawin at likhain sa katulad ko na hindi naman talaga pinanganak na may kahusayan. sa isang sulok ng aking kaisipan na maari ring sabihin ng iba na baka sa una lang ito. Baka nga sa una lang ganado at habang tumatagal ay unti-unti na rin pagsasawaan.

Tuesday, April 17, 2012

Mga guhit ng lapis sa kasalukuyan ( Pangalawang Yugto)

Nang matapos ko maiguhit ang mga rosas nagsunod-sunod na rin ang mga nagawa ko. Nakakatuwang pagmasdan kapag nakikita ko ang mga naiguhit ko gamit ang A4 bond paper at lapis.
Mansanas

Mga puno sa tabi ng Ilog


Mukha ng Tigre

Si Superman

Mulawin

Paglubog ng Araw

Lion


Sunday, July 24, 2011

Mga guhit ng lapis sa kasalukuyan (Ang Simula)

Mga unang taon namin dito sa Jeddah noon September 2008 ng isang araw ay makita kong bumili ng isang malaking drawing pad ang isang kasamahan ko sa Kampo. James Torres ang pangalan nya hindi ko inaakala na mahilig pala sya sa pagdodrawing at habang ang lahat ay abala sa kani-kanilang mga gawain si James naman ay nagsimula na ring gumuhit. Paminsan minsan sinusulyapan ko ang kanyang ginagawa. Noon ako nagsimulang maging interesado ulit sa pagguhit. May mga pagkakataon na nagkukuwentuhan kami kung panu gumuhit ng mukha ng tao o di kaya ang angulo ng katawan at marami pang iba. Yun na pala ang simula ng lahat... gumuhit ako ng isang bulaklak na sa tingin ko ay isang halimbawa lamang. Pagkatapos ay pinakita ko sa kanya at kinukuha ang kanyang opinyon. Naalala ko pa sabi nya dagdagan ko pa daw ng bulaklak hanggang dumami na ang aking nagawa. hahahaha..

Thursday, May 19, 2011

Bata... Bata....Doon Po Sa Amin...






Larong Pambata - Habulan

Boyeeeeettttttt!!!! ang sigaw ng nanay ko habang nakadungaw sa bintana ng aming bahay... na kung saan tanaw-tanaw nya akong naglalaro sa basketball court na katabi ng isang maliit na Bisita sa tapat ng aming bahay... Halika nga dito?. Dali-dali akong nag-timeout sa larong habulan na kung saan kalaro ko ang mga kasing gulang ko na mga kaklase at ibang mga kapitbahay. Kakain na pala kami.. teka ang sabi ko tawag na ako ng nanay ko eh kayo na lang muna sa susunod na lang ulet. Hay nakakainis tuloy di pa kami nananalo ng ka-grupo ko eh di bale sa uulitin gagalingan ko na bibilisan ko na ang pagtakbo at hindi ako magpapahuli sa kanila at mananalo rin kami.. Yeheyyy..

Puno ng Saging

Laging ganun ang buhay dati... masaya... malaya...walang problema bata pa kasi... malawak ang mga daanan, malalaki ang bawat bagay na aking nakikita, matataas ang mga puno sa tabing daan gayun din ang mga puno ng mga saging sa likod bahay namin. bakit ang liit ko? lalaki pa ba ako? siguro sabi kasi nila ganun daw talaga pag bata pa hamo't dadating din ang araw at magiging katulad din daw nila ako. Sige na nga maghintay na lang ako.