Larong Pambata - Habulan |
Boyeeeeettttttt!!!! ang sigaw ng nanay ko habang nakadungaw sa bintana ng aming bahay... na kung saan tanaw-tanaw nya akong naglalaro sa basketball court na katabi ng isang maliit na Bisita sa tapat ng aming bahay... Halika nga dito?. Dali-dali akong nag-timeout sa larong habulan na kung saan kalaro ko ang mga kasing gulang ko na mga kaklase at ibang mga kapitbahay. Kakain na pala kami.. teka ang sabi ko tawag na ako ng nanay ko eh kayo na lang muna sa susunod na lang ulet. Hay nakakainis tuloy di pa kami nananalo ng ka-grupo ko eh di bale sa uulitin gagalingan ko na bibilisan ko na ang pagtakbo at hindi ako magpapahuli sa kanila at mananalo rin kami.. Yeheyyy..
Puno ng Saging |
Laging ganun ang buhay dati... masaya... malaya...walang problema bata pa kasi... malawak ang mga daanan, malalaki ang bawat bagay na aking nakikita, matataas ang mga puno sa tabing daan gayun din ang mga puno ng mga saging sa likod bahay namin. bakit ang liit ko? lalaki pa ba ako? siguro sabi kasi nila ganun daw talaga pag bata pa hamo't dadating din ang araw at magiging katulad din daw nila ako. Sige na nga maghintay na lang ako.